--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsimula kahapon araw ang iba’t ibang aktibidad para ipakita ang pakikiramay sa pamilya at panawagan para sa hustisya sa pagbaril at pagpatay kay dating Bard Member Napoleon “Nap” Hernandez noong gabi ng July 1, 2019 sa daan sa Dagupan, San Mateo, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Bayan member Jonathan Galapon ng San Mateo sinabi niya na nagkaroon ng pag-uusap ang mga sumusuporta kay Municipal Administrator Hernandez na magsasagawa sila ng iba’t ibang aktibidad.

Ito aniya ay kanilang suportado bilang kaalyado ng biktima.

Aniya, ngayong araw ay sinimulan nila ang paglalagay ng kulay itim at pulang ribbon sa mga punong kahoy sa harapan ng mga bahay sa San Mateo.

--Ads--

Ang itim na ribbon ay sumisimbolo ng pakikidalamhati sa pamilya ni dating SP member Hernandez habang ang pula ay para sa hustisya at pagkundena sa pagpatay sa kanya.

Bukas ay isasagawa nila ang pamamahagi ng mga flyers o polyetos tungkol sa kahilingan na mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa dating Sangguniang Panlalawigan member at nakalagay din sa flyer ang mga nagampanan ni Hernandez.

Sa Hulyo 7, 2019 ay isasagawa ang motorcade sa umaga at prayer rally dakong alas-kuwatro ng hapon sa Freedom Park ng San Mateo at mag-iimbita sila ng mga resource speaker, mga pastor at pari dahil naitaon ito sa araw ng linggo.

Sa araw ng lunes, July 8, 2019 ay may gaganapin ulit na motorcade at July 9, 2019 ay magpapamahagi ulit sila ng mga flyer,maglalagay sila ng mga tarpaulin sa mga stratehikong lugar sa bayan San Mateo at mga banner na nanawagan ng hustisya ng pagpatay kay dating LMB Federation President Nap Hernandez.

Ayon pa kay SB Member Galapon, batay sa nakuhang nilang impormasyon kay Gng. Placida Hernandez,ihahatid sa huling hantungan ang mga labi ng kanyang mister sa Miyerkoles, Hulyo 10, 2019.

Ilalabas umano ang kanyang labi sa kanilang bahay sa San Marcos sa ika siyam ng Hulyo at idadaan sa Sinamar Norte, papasok sa Bella Luz, Estrella, Old Centro Uno at Old Centro Proper at Bacarrenia.

Magkakaroon ng public viewing sa bagong munisipyo ng bayan ng San Mateo at inaasahang magkakaroon ng necrologicial service sa huling gabi ng kanyang burol.

Tinig ni SB member Jonathan Galapon

Nanawagan si SB Member Neil Galapon sa mga mamamayan ng San Mateo na lumahok sa mga aktibidad gayundin sa mga nakakita sa pamamaril kay dating Board Member Nap Hernandez na magtungo sa himpilan ng pulisya upang magbigay ng impormasyon na makakatulong sa pagkamit ng hustisya sa pagpatay kay Hernandez.