--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi maiwasang matawa ni House Deputy Speaker Antonio “Tonypet” Albano sa mga kasong isinampa ni Representative Pantaleon Alvarez sa Ombudsman laban kay House Speaker Romualdez at iba pa nitong nakaraang Linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Deputy House Speaker Antonio Tonypet Albano sinabi niya na  kabilang sa Legal constitutional Power ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pag veto sa ilang kwestiyonableng pondo sa 2025 GAA habang ang Kongreso naman ang siyang naka toka sa alignment ng budget.

Aniya wala siyang nakikitang iligal o na violate sa 2025 GAA at ang isinampang kaso ay maaaring suntok sa buwan.

Ayon sa kaniya nakakalungkot dahil sa ginagawang ito ng mga kapwa niya mambabatas para ma-divert ang issue at madelay ang impeachment trial kung saan naroon ang tunay na problema na dapat masolusyonan.

--Ads--

Binibigyan naman ng panahon ng Pangulo ang Senado para makita kung magagawa nilang tapusin ang rules of impeachment bago matapos ang 19th congress dahil nakakahiya na aniya kung hahayaan pa itong maipasa sa 20th congress lalo at inaasahan na ang mahaba habang talakayan sa impeachment process laban kay VP Sara maliban pa sa iba pang tungkulin ng legislative branch sa pag review muli ng pondo para sa 2026 GAA.