CAUAYAN CITY- Magsisimula na ngayong huling Linggo ng Marso ang pagsasagawa ng training sa mga magiging Para-Teachers ng mga Agta sa Palanan Isabela
Layunin ng academic projects ng Philippine Normal University North Luzon na sanayin ang mga out of school youth na mga Agta na nakapagtapos ng Highschool at nakarating ng college level na hindi nakapagpatuloy ng pag aaral
Sa ilalim ng proyekto, sasanayin ng nasabing paaralan ang mga magiging Para-Teachers na siya namang magtuturo sa mga batang Agta partikular sa may bahagi ng Palanan
Tunguhin din nitong matulungan ang mga batang Agta na mas matuto ng mga akademikong pag-aaral at malinang ang kanilang mga kakayahan
Ayon kay Community Development Officer Roy Layao ng National Commission on Indigenous People Cauayan na malaki ang magagawa ng ganitong proyekto para sa mga batang Agta
Paraan din ito para magkaroon ng karagdagang kaalaman ang mga bata sa kanilang pag-aaral
Bagaman ang proyekto ay magsisimula pa lamang, positibo ang opisina ng NCIP Cauayan na maganda ang magiging resulta nito





