--Ads--

Dismayado ang isang Political Analyst at Constitutionalist sa pagdistansiya ng Integrated Bar of the Philippines o IBP sa pagkaka-cite in contempt ni Office of the Vice President Chief of Staff Zuleika Lopez.

Matatandaan na inihayag ng IBP na hindi sila obligadong manindigan sa pagkaka-ditene sa sinumang abogado na inimbitahan ng Kongreso bilang resource person.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at constitutionalist, sinabi niya na naiintindihan naman niya na ayaw lamang makisawsaw ng IBP sa Pulitika.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi naman nila kinakailangang makisawsaw sa isyu sa Pulitika ngunit may responsibilidad umano silang magbigay ng linaw sa mga usaping legal.

--Ads--

Isa na umano rito ang pagpapaliwanag sa kung hanggang saan lang ang sakop ng kapangyarihan ng kongreso pangunahin na sa usapin ng pag-cite in contempt at kung in aid of legislation pa rin ba ang mga isinasagawa nilang pagdinig.