CAUAYAN CITY – Binigyang diin ni Punong Lalawigan Rodito Albano na tuluy-tuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar tulad ng palengke at bahay kainan maging sa mga pampublikong sasakyan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Albano na malaking tulong ang pagsusuot ng face mask upang hindi mahawaan ng virus at kailangang ipatupad upang hindi na bumalik pa ang virus.
Mahirap anyang bumalik ang COVID-19 na gagastusan na naman ng pamahalaan.
Nanindigan siya na kailangang magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.
Hindi anya niya gagawin ang ginawa sa cebu na optional na ang pagsusuot ng face mask.
Sinabi ni Gov. Albano na halos nawala na ang COVID-19 sa bansa dahil sa pagsusuot pa rin ng mga tao ng face mask at kung ikukumpara sa ibang mga bansang tinanggal na ang face mask ay muling bumalik ang COVID-19 sa kanilang lugar.