Sinuspinde na ng Isabela State University-System ang pagsusuot ng uniform ng mga estudyante nilang paghahanda sa napaka init na panahon ngayong dry season.
Maliban dito ay pansamantala na ring hindi ipapatupad ng ISU Ilagan Campus ang pagsusuot ng barong o Asean inspired attire tuwing lunes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Alfonso “Cholo” Simon ang executive officer ng Isabela state University – Ilagan Cmapus sinabi niya na mula kahapon ay idineklara na ng LGU Ilagan ang suspension of classes dahil sa napakainit na panahon, gayunman mula lunes ay ipapatupad na nila ang asynchronous classes habang work from home naman ang mga teaching at non-teaching staffs.
Ito ay dahil sa ipinalabas na kautusan ang ISU system para kahit papaano ay mapaghandaan ang mga nagbabadyang mataas na heat index at hindi maparalyse ang kanilang operation.
Sa katunayan aniya may mga classroom naman na airconditioned subalit hindi umano lahat gayunman tiniyak niya na well-ventilated naman ang mga classroom.