
CAUAYAN CITY – Maituturing nang alarming ang sitwasyon ng tatlong malalaking referral hospital sa rehiyon dos dahil sa pagtaas ng kaso ng ng COVID-19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2 na dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 ay halos puno na ang Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City, habang puno na ang Southern Isabela Medical Center sa Lunsod ng Santiago at ang Regional 2 Trauma and medical center sa Bayombong Nueva Vizcaya ay may mga bakante pa.
Sinabi ni Regional Director Dr. Magpantay na sa nasabing tatlong pagamutan ang SIMC ay 100% ay puno na ang kanilang isolation, ICU at COVID ward.
Malapit na ring mapuno 100% ang CVMC habang ang Regional 2 Trauma and medical center sa Bayombong, Nueva Vizcaya ay mayroon pang available na mga kuwarto at maaari silang tumanggap ng mga pasyente mula rito sa Isabela.
Dahil dito nanawagan si Dr. Magpantay sa mga pribadong pagamutan na maglaan ng 20% ng kanilang bed capacity para sa mga COVID-19 patients.
Dapat din anyang pagtuunan ng pansin sa ngayon ng mga lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng community isolation units para sa mga COVID-19 cases na may mild at walang sintomas upang maiwasan ang home quarantine.
Dapat anyang iwasan ang home quarantine at mailagay ang lahat ng mayroong mild o wealang sintomas upang maiwasan ang hawaan sa loob ng bahay.










