--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumaas ng 4.69% ang mga naganap na sunog sa bansa sa nakalipas na siyam na buwan ngayong taon.

Ang naitalang 12, 538 na sunog sa buong bansa ay mas mataas sa 11, 976 na naganap sa katulad na panahon noong 2017.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Fire Supt. Joan Vallejo, spokesperson ng punong tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang nagpataas sa nasabing datos ay ang tinatawag na non-structural fire, rabbish fire, electrical post fire at grass fire.

Ang madalas na sanhi ng apoy ay mula sa depektibong linya ng koryente, upos ng sigarilyo na itinapon sa basurahan at mga combustible material. Ayon kay F/Supt. Vallejo, matatawag na alarming ang maraming naitalang sunog.

--Ads--

Tiniyak din niya na patuloy na gumagawa ng paraan ang BFP para matugunan ang kakulangan ng firetruck sa ibat ibang bayan sa bansa.

Kasama aniya sa taunang programa ng BFP ang pagbili ng mga firetruck na dumadaan sa mabahang proseso.

Ayon kay Fire Supt. Vallejo, ang BFP simula sa Oct 27-29 ay nasa heightened alert at full alert sa October 20- November 2, 2018 kaugnay ng paggunita ng undas.