CAUAYAN CITY – Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) region 2 na nagtaas sila ng pasahe sa lahat ng public transport sa ipinalabas na fare matrix sa rehiyon sa kanilang social media page.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Edward Cabase ng LTFRB region 2 sinabi niya na ang pagtaas ng pasahe ay minimal lamang at hindi magiging pahirap sa mga mananakay.
Aniya lahat naman ng lalawigan sa bansa ay nagtaas ng pasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Binabalanse ng ahensiya ang pagtaas dahil marami ang maaapektuhan lalo na ang mga estudyante.
Matapos na ipalabas ang fare matrix ay magsisimula na ring magmonitor ang LTFRB sa pagpapatupad ng mga pampublikong transportasyon.