--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Population Commission (PopCom) region 2 ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa  rehiyon sa loob ng dalawang taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Regional Director Herita Macarrubo ng PopCom region 2 na mula  sa datos na ipinapasakamay sa kanilang tanggapan ng mga  City at Municipal Population Officers ng  limang lalawigan sa Region 2, nangunguna sa talaan ng may pinakamaraming teenage pregnancy ang Isabela na may 2.48% , sinundan  ng Nueva Vizcaya na may 2.47%, sumunod ang mga lalawigan ng  Quirino, Cagayan at Batanes na may .5%.

Mula sa nasabing talaan ay  nanguna sa may pinakamaraming kaso ng teenage pregnancy ang Ilagan na may 2.19%  na sinundan ng Santiago City na may 2.03%, Tuguegarao City na may 1.41% at Cauayan City na 1% para sa taong 2019.

Batay sa pag-aaral ng PopCom maaring  ang sanhi ng teenage pregnancy ay hindi  intact  ang pamilya ng isang kabataan o karaniwang mga anak ng OFW na kulang ang paggabay  at maagang pagkakaroon ng sexual initiation ng mga kabataan.

--Ads--

May kontribusyon din dito ang maagang pagkakaroon ng buwanang dalaw ng mga dalagita na nagbubunga ng  maagang pagkakaroon ng sexual awakening.

Hinimok ng regional director ang mga magulang na huwag  pahintulutan ang maagang pagsasama ng mga kabataang maagang nagbubuntis  kundi bigyan sila  ng social protection sa pamamagitan ng pagsuporta na tapusin ang kanilang pag-aaral.

Ipinayo ni  Regional Director Macarrubo   na magkaroon  ng focus ang mga kabataan sa pagkakaroon ng magandang  buhay at ibaling sa ibang gawain ang atensiyon tulad ng pagsali sa mga  youth organization.

Pinayuhan din nila ang mga magulang  na maging malapit sa kanilang mga anak at maging bukas sa  komunikasyon.

Binabantayan na rin ngayon ng PopCom ang maaring pagtaas din ng teenage pregnancy na nakakaranas ng pandemya.

Ang pahayag ni Regional Director Herita Macarubbo