--Ads--

CAUAYAN CITY- Naniniwala ang pamunuan ng PDP-LABAN region 2 na illegal ang pagkakatanggal ni dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III bilang pangulo ng PDP-Laban

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dating Mayor Fernando Cumigad, Secretary General ng PDP-Laban sa Region 2 at Provincial Chairman ng nasabing partido na illegal ang pagpapatalsik kay Pimentel bilang pangulo ng kanilang partido dahil bago sana ideklarang bakante ang nasabing posisyon ay dapat ay isinagawa sa ginanap na General Assembly at dapat ding daluhan ng lahat ng mga miyembro ng Executive Council.

Anya kahit pa idineklarang bakante ang lahat ng posisyon sa PDP laban ngunit maaari pa ring magpa-reelect si Pimentel bilang bahagi ng demokratikong proseso.

Tinawagan anya siya ng Davao Group PDP-Laban at kinumbinsing dumalo sa General Assembly subalit tumanggi siyang dumalo dahil walang official notice at itinuturing niyang hindi lehitimo ang kanilang general assembly.

--Ads--