--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinaliwanag ng Department of Public Works and Highways Region 2 ang proseso ng pagtanggal sa mga poste na sakop ng road widening.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Wilson Valdez, tagapagsalita ng Department of Public Works and Highways Region 2 na bago magsimula ang isang proyekto ng DPWH ay nagkakaroon na sila ng ugnayan sa mga local government units at concerned agencies.

Nnagkakaroon sila ng memorandum of understanding kasama ang mga cooperatives at nabibigyan sila ng pondo para sila na ang maglilipat sa mga poste na maaring masakop ng road widening.

Aniya, hindi rin basta-basta ang pagtanggal sa naturang mga poste kapag nagkakaroon ng pagsasaayos sa mga kalsada dahil marami ang kailangang ikunsidera tulad na lamang ng pagkawala ng tustos ng kuryente.

--Ads--