--Ads--

CAUAYAN CITY- Naantala na ang pagtatanim ng ilang magsasaka ng palay dahil naantala rin ang pagpapalabas ng tubig sa mga irigasyon bunsod ng nararanasang dry spell o madalang na pag-ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Veterinarian Concurrent Provincial Agriculturist Angelo Naui na hinikayat nila ang mga magsasakang nakapagtanim na ng palay at mais na sumailalim sa crop insurance sa  Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at sa BRO seguro sa pananim para may makuha silang insurance na magagamit sa susunod na pagtatanim sakaling mapinsala ng kalamidad ang kanilang mga pananim.

Ang DA at PCIC aniya ay nagkakaroon ng ugnayan para sa pagsasailalim sa crop insurance sa pananim ng mga magsasaka na hindi masasakop ng BRO seguro.

Pinayuhan niya ang mga magsasaka na bago magtanim ng palay ay tingnan kung kayang matustusan ng tubig ang kanilang mga pananim hanggang anihin ang mga ito.

--Ads--

Aniya, walang masyadong suliranin sa palay dahil kayang matustusan ng tubig ng National Irrigation Administration ang mga irigasyon.

Ayon kay G. Naui, pinayuhan din nila ang mga magsasaka na magtamim ng early maturing varieties para mas maikli ang panahon ang hihintayin bago maani ang mga ito.