--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang pagtatapos ng school year 2021-2022 sa pitumpu’t siyam na paaralan sa Lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., Schools division Superintendent ng SDO Cauayan City sinabi niya na nakumpleto ng mga paaralan ang 209 School Days at bagamat may ilang delay ay nahabol nila ang mga kulang na araw sa pamamagitan ng Remedial classes gamit ang Modules, TV at Radio base learning tuwing araw ng sabado.

Maayos na napunan ng mga guro ang mga araw na nagkaroon ng suspension ng klase o break kaya natapos ang lahat ng paaralan ang 209 school days at sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na nila ang kanilang moving up ceremony at graduation rites.

Titiyakin naman ng SDO Cauayan City na masususnod parin ang minimum public health standars sa mga isasagawang aktibidad sa End of School year rites para manatiling ligtas ang mga mag-aaral at mga magulang na dadalo sa face to face moving up ceremony at graduation rites.

--Ads--

Ang mga dadalo sa programa ay kailangan na mag suot ng face mask, panatilihin ang isang metro o higit pang distansiya, at mahigpit na ipagbabawal ang pakikipagkamay.

Bagamat may pag mamarsta ay lilimitahan naman ng SDO ang bilang ng speakers at tututukan na lamang ang mga mahahalagang bahagi ng programa.

Una naring naabisuhan ang mga School president na huwag maningil ng fee sa mga  magsisipag tapos na mag-aaral upang mabigyan ng pagkakataon ang mga magulang na mamili o mag renta ng Toga na gagamitin ng kanilang mga anak.

Pagkatapos ng End of School year Rites ay paghahandaan naman ng SDO Cauayan City ang posibilidad na full implementation ng in-person classes para sa school year 2022-2023.