--Ads--

Nabigyan ng pagkakataon ang Filipino community sa South Korea na makadaupang palad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng kanyang pagbisita para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2025 na ginanap sa Busan.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Tina Credo, bagamat may kalayuan sila sa Busan, nagrenta ng bus ang Philippine Embassy upang matiyak na makakadalo ang mga Pilipino sa naturang pagtitipon.

Aniya, labis ang kasiyahan ng mga Pilipinong sumusuporta kay PBBM dahil sa naging pagkakataon ito upang malaman nila ang mga programa ng pamahalaan para sa kanilang mga kapwa Overseas Filipino Workers (OFW).

Kabilang sa mga inihayag na programa ang pagbubukas ng bagong embahada sa Busan, bukod pa sa kasalukuyang embahada sa Seoul.

--Ads--

Magkakaroon din ng Social Security Services ang bagong embahada sa Busan, na malaking tulong para sa mga OFW na wala pang SSS coverage.

Nasa South Korea si Pangulong Marcos upang dumalo sa APEC Summit 2025 na kasalukuyang ginaganap sa Gyeongju, South Korea.