--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging viral sa social media ang pagtiktok ng isang nurse sa tabi ng kabaong ng kanyang amang namatay sanhi ng aksidente sa daan.

Sa naging panayam ng  Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Marinette Danao, nurse at residente ng  Echague, Isabela na nagawa niyang magtiktok sa tabi ng kabaong ng kanyang yumaong ama na si Marcial Danao Jr. dahil sa gustung-gusto ng kanyang ama ang kanyang pagtiktok.

Hindi niya inaasahan na maging viral ang kanyang pagtiktok na ipinost sa social media.

Habang kinakapanayam ng Bombo Radyo Cauayan si Danao ay naging emosyunal sa kanyang pagsasalaysay kung bakit niya nagawang magtiktok sa tabi ng kabaong ng yumaong  ama.

--Ads--

Sinabi pa niya na noong naka-quarantine ang kanyang ama matapos tamaan ng COVID-19 ay sinasabi sa kanya ng ama na maganda ang kanyang pagtiktok.

Ipinagmamalaki siya ng kanyang ama at natutuwa kapag nakikita siyang sumasayaw.

Ayon kay Danao, gumaling ang kanyang ama sa COVID-19 ngunit binawian nang buhay dahil sa aksidente matapos mabiktima ng hit and run ngunit sumuko rin ang tsuper ng sasakyan na nakabangga sa kanya.

Natuwa siya nang magnegatibo sa swab test ang kanyang ama kaya naiburol nila ng ilang araw at naisipan niyang magtiktok sa tabi ng kanyang kabaong dahil gustung-gusto siyang panoorin ng kanyang ama kapag siya ay nagsasayaw.

Sinabihan niya ang kanyang pinsan na kunan siya ng video habang nagtitiktok sa tabi ng kabaong ng ama.

Ang pahayag ng nurse na si Marinette Danao