--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa pa rin ng hot pursuit operation ang pinagsanib na puwersa ng 95th Infantry Batallion Philippine Army at Isabela Provincial Public Safety Company laban sa mga rebeldeng tumatakas sa Barangay Daragutan West, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Major Jefferson Somero,Head ng g Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army na mayroon nagparating sa mga sundalo ukol sa ginagawa umanong pangingikil ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Matapos tumugon ang mga sundalo ay nakumpirma nila ang sumbong kayat nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga otoridad at hindi pa mabilang na New People’s Army (NPA)

Sa ngayon ay gumagamit na ng air assets ang mga sundalo sa pagtugis ng mga tumatakas na mga rebelde.

--Ads--

Inaalam na rin ng pamunuan ng 5th ID kung mayroong nadamay na mga sibiliyan sa naganap na enkuwentro sa pagitan ng mga sundalo ar rebelde.