--Ads--

CAUAYAN CITY- Naniniwala ang pamunuan ng rice millers association region 2 na marapat lamang na bigyan ng insentibo ang mga magsasaka para mapanatiling matatag ang tustos ng bigas sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Erning Subia, Presidente ng rice millers association region 2 na kinakailangang protektahan ang ating bigas sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa mga magsasaka.

Sinabi ni G. Subia na kapansin pansin na wala nang magsasaka ang may gustong magsaka dahil sa napakamurang halaga ng kanilang produkto.

Napakamahal anya ng mga binibili ng mga magsasakang abono at pestisidyo subalit binabarat naman ang kanilang mga aning palay.

--Ads--

Naniniwala si G. Subia na dapat lamang na bigyan ng tulong at insentibo ng pamahalaan ang mga magsasaka na nagpapakahirap para magkaroon ng sapat na tustos ng bigas sa bansa.