CAUAYAN CITY- Isang paalala ng pagkakaisa ang paggunita ngayong araw sa 161st anniversary ng kapanganakan ni GAt andres Bonifacio.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOT Regional Director and Local Historian Dr. Troy Alexander Miano sinabi niya na ginugunita ngayonga araw ang 161st Anniversary ni GAT. Andres Bonifacio.
Aniya kakaiba ang pagdiriwang ngayong araw dahil karaniwang ginugunita ang kamatayan ng mga Bayani subalit sa kaniya ang ginugunita ay kaniyang kapanganakan.
Ang kapanganakan ni Bonifacio ay isang paalala na kailangan ng pagkakaisa ng bawat Pilipino para makamit ang adhikain para sa Bayan.
Sa katunayan aniya sa naka lipas na higit isang daang taon ay problema parin ito ng ating lipunan.
Batay sa Kasaysayan ng Pilipinas si Gat Andres Bonifacio na siyang ama ng katipunan at rebulusyonaryong Pilipino ang nagsulong ng reporma laban sa pagmamalabis at pangaabuso sa koloniyalismo o pananakop ng espaniya.





