--Ads--

CAUAYAN- Mariing tinuligsa ng pamunuan ng 86th Infantry Battalion ang ipinalabas na pahayag ng Reynaldo Pinion Comand ng New People’s Army (NPA) sa pamamagitan ng tagapagpahayag na si Vic Balligi na 15 sundalo ang nasawi sa mga naganap na serye ng sagupaan sa San Mariano, San Guillermo at Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, nilinaw ni Lt. Col Remigio Dulatre, battalion commander ng 86th IB na walang nasawi sa mga nangyaring sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng NPA.

Ang pahayag aniya ng RPC NPA ay bahagi ng kanilang desperadong hakbang.

Binabaliktad nila ang sitwasyon para linlangin ang publiko, para palakasin ang kanilang recruitment at palabasin na sila ay malakas ngunit sa katunayan ay mahina na ang kanilang grupo.

--Ads--

Binigyang-diin ni Lt. Col. Dulatre na hindi maitatago sakaling may nasawing sundalo sa mga naganap na sagupaan.

Tiniyak din niya na hindi titigilan ang operasyon sa mga rebelde.