--Ads--

CAUAYAN CITY– Isa ang nasawi dalawa ang nasugatan matapos na bumaliktad at mahulog ang dumptruck sa bangin sa barangay Sindun Bayabo, Ilagan City,

Sa naging pamayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ronnie Heraña, imbestigador ng City of Ilagan Police Station, sinabi niya na mula sa City proper ang dump truck ay maghahatid sana ng bato at buhangin sa isang project site sa naturang lugar ng mawalan ng preno ang dump truck sa matarik na bahagi ng daan sanhi para mawalan ng kontrol sa manibela ang tsuper na si Ariel Fernandez, 32 anyos, may-asawa, residente ng Barangay Song-song, Gamu, Isabela.

Bilang resulta ay bumaliktad ang dump truck at nahulog sa bangin.

Nasawi ang isa sa pahinante na si Jayson Hernandez habang nasugatan si Jason Dacuba,kapwa residente ng San Andres, Lunsod ng Ilagan at ang tsuper na si Fernandez.

--Ads--

Dinala ng mga tumugong kasapi ng DART 831 ang mga biktima sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital kung saan idineklarang dead on arrival si Hernandez habang patuloy na inoobserbahan sina Fernandez at Dacuba.

Aniya, hindi agad na naiulat sa kanilang himpilan ang aksidente dahil sa malayo na rin ang naturang lugar at hirap din sa cell phone signal.

Lumalabas sa kanilang pagsisisyasat na hindi overloaded ang dump truck at tanging nakikitang sanhi ng aksidente ay ang kalumaan ng truck na nagresulta upang mawalan ito ng preno.

Muli namang nag paalala ang Pulisya sa mga motoristang mag doble ingat lalo na kung hindi pa gaanong kabisado ang daan maliban sa pagsisigurong nasa maayos na kondisyon ang ginagamit na sasakyan upang makaiwas sa aksidente.

Ang pahayag ni PCapt. Ronnie Heraña,