--Ads--

CAUAYAN CITY- Naniniwala si Congressman Gary Alejano na mayroong hidden agenda sa pagkakahalal bilang House Speaker ni Congresswoman Gloria Arroyo.

Ito ay matapos mayroong umuugong na balitang nais ni Arroyo na maging Prime Minister ng Pilipinas sakaling maipasa ang Federal Form of Government ng bansa.

Isa anyang dahilan kung bakit tinututulan ng minority group ni Alejano na mabago ang saligang batas ay dahil maliban sa merito ng bubuoing saligang batas ay mayroon pang hidden agenda na anyay nakakabahala.
Sa exklusibo pang panayam ng Bombo Radyo Cauayan, ibinigyan ni Cong. Gary Alejano ng bagsak na grado si Pangulong Duterte sa kanyang performance sa buong taon.