CAUAYAN CITY – Naging agaw pansin ang mga pakulo ang iba’t ibang fraternity at ilang grupo sa Isabela.
Ang alpha phi omega (APO) ay nagpamigay ng libreng tubig at libreng kape sa mga nagtutungo sa sementeryo sa Ilagan City.
Maging ang scout royal rrotherhood fraternity ay nag-aalok ng libreng mineral water at candy.
Patok naman ito sa mga mamamayan na nagtutungo sa mga sementeryo at pinagkaguluhan ang mga libreng kape pangunahin na at umuulan bukod pa sa malamig ang panahon.
Samantala, isang samahan ng tricycle sa Santiago City ang nagbigay ng libreng kandila para sa mga nagtutungo sa mga puntod sa kanilang mga mahal sa buhay.
Agaw pansin din ang Highway Patrol Group Force multipliers na samahan ng mga nagmomotorsiklo na nagmamando ng daloy ng trapiko dahil pinamarkahan ang kanilang mga mukha para magmukhang nakakatakot.




