--Ads--

Nais ng pamahalaan na pasiglahin ang industriya ng niyog upang maging nangungunang exporter sa buong mundo ang Pilipinas, ayon kay Department of Finance Sec. Frederick Go sa isang forum sa Makati.

Ayon kay Go, kasalukuyang ikalawa ang Pilipinas sa pinakamalalaking exporter ng niyog sa mundo at may malaking pagkakataon upang maging number one. Aniya, gagamitin ang pondo ng Coconut Levy Fund upang suportahan ang mga magsasaka at palakasin ang produksyon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 4.02 milyong metric tons ang produksyon ng niyog sa ikaapat na quarter ng 2025, bahagyang mas mababa sa 4.01 milyong metric tons noong kaparehong panahon ng nakaraang taon.

Samantala, ang kabuuang produksyon para sa 2025 ay nasa 14.506 milyong metric tons, mas mataas kumpara sa 14.500 milyong metric tons noong 2024.

--Ads--