--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng pamahalaang lunsod na makamit ang herd immunity o pitumpong bahagyang target population sa katapusan ngayong buwan ng Nobyembre porsyento ng kabuuang populasyon ng Lunsod.

Batay sa inilabas na impormasyon ng LGU Cauayan City ay magsisimula na rin ang vaccination rollout para sa mga kabataan na may edad labing dalawa Hanggang labimpitu.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kay Punong Lunsod Bernard Dy ay muli siyang nanawagan sa mga residente na hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na kontra COVID-19.

Hindi na umano katulad nang dati na kakaunti ang tustos  bakuna na umaabot lamang sa higit Isang daan hanggang dalawang daan ngunit  ngayon ay libo libo na umano ang dumarating na COVID-19  vaccine.

--Ads--

Dahil dito inaasahan ng lokal na pamahalaan na ngayong  buwan ng nobyembre ay makakamit na ng Lunsod ng Cauayan  ang herd immunity.

Inihayag pa ng Punong Lunsod na sana ay gawin ng mga residente ang kanilang parte at pagpabakuna upang mapanatiling ligtas ang sarili at pamilya ng bawat isa at makapamuhay na sa  new normal.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Bernard Dy .