--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanindigan ang pamahalaang lunsod ng Ilagan na wala silang pagkukulang sa biglaang pagtaas ng water level sa Abuan River noong araw ng Miyerkules.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Sangguniang Panglunsod member Jay Eveson Diaz na inaasahan na nilang may mga ganitong pangyayari bago pa man idevelop ang Abuan River dahil konektado ito sa Sierra Madre lalo ang itaas nito kaya kapag umulan ng malakas sa Sierra Madre mountains ay bababa ang tubig papunta sa ilog.

Dahil dito, matapos madevelop ang Abuan River ay nag-employ ang pamahalaang lunsod ng mga residente sa San Antonio region at sa Abuan bilang manpower at life guard.

May mga nakadeploy din sa paanan ng bundok at kapag napansin nila na malakas na ang ulan sa bundok ay tatawag na sila sa life guard at sila naman ang magbibigay ng alert sa mga taong nasa ilog.

--Ads--

Sila na rin aniya ang magdadala sa mataas na lugar sa mga kagamitan.

Ayon pa kay SP member Diaz, may itinalagang lugar para pagparadahan ng mga sasakyan sa Abuan River at ang dalawang natrap na sasakyan noong Miyerkules ay mas mababa ang kinaroroonan at medyo huli na rin nang puntahan ito ng may-ari.

Gayunman ay tinulungan naman aniya ang mga may-ari na makuha ang kanilang sasakyan.

Dahil naman sa pangyayari ay mas magiging istrikto na sila sa pagpapatupad ng mga alituntunin lalo na kung makulimlim at umaambon.

Tinig ni SP member Jay Eveson Diaz.