--Ads--

CAUAYAN CITY – Itutulak ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang e-learning sa pagbabalik sa eskuwela ng mga mag-aaral.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Rodito Albano, sinabi niya na nakausap niya sina Education Secretary Leonor Briones at Senador Bong Go at nabanggit niya ang pagkakaroon ng e-learning sa bansa para hindi pa rin titigil sa pag-aaral ang mga estudyante.

Aniya, kung ito ay aaprubahan, ang lalawigan ang kauna-unahanag magpapatupad ng e-learning sa bansa.

Sinabi ni Governor Albano na magbibigay sila ng mga tablet sa mga guro at estudyante at ito ang kanilang gagamitin para makapag-download ng mga libro.

--Ads--

Aniya, sinang-ayunan  ito ng kalihim ng DepEd gayundin ni Senador Go.

Palalakasin  ang connection sa wifi para hindi magkaroon ng poblema ang mga estudyante.

Ayon kay Gov. Albano, ang pondo sa BRO Education Program ng pamahalaang panlalawigan ang panggagalingan ng pondo at nakahanda ring tumulong ang DepEd.

Hindi aniya puwedeng tumigil sa pag-aaral ang mga bata dahil magiging tambay lamang sila.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano.