CAUAYAN CITY – Handang-handa na ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa nalalapit na pagbubukas ng Bambanti Festival 2024.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer ng Isabela, sinabi niya na patuloy na naghahanda ang pamahalaang panlalawigan para sa Bambanti 2024.
Sa katunayan, noon pang Disyembre, 2023 ay nabuo na nila ang Executive at working Committee na pinangunahan ni Vice Governor Bojie Dy.
Kabilang sa mga malalaking personalidad na makikiisa sa Bambanti 2024 ay si Vice President Sara Duterte, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Benhur Abalos, at Senator Bong Go.
Hindi pa naman napag-uusapan kung idedeklara bilang special non-working day ang Bambanti 2024 na bubuksan sa January 22 hanggang January 27.
Kabilang sa mga pinaghahandaan ang road rerouting plan para bigyang daan ang inaasahang pagdagsa ng mga tao sa Bambanti 2024.
Isasagawa sa mismong unang araw o kick off ng Bambanti 2024 ang fun run, fun bike, Makan ken mainum, Queen Isabela, Music festival at magtatapos sa isang grand fireworks display.
Tinig ni Atty. Elizabeth Binag.