--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela ng 5 million pesos na pondo para pambili ng gamot na pangpuksa sa mga lamok na carrier ng dengue.

Sa  naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, iginiit ni Governor Rodito Albano na hindi  pa naman nakakaalarma ang kaso ng dengue sa Isabela kundi naikukumpara lamang noong nakaraang taon kaya sinasabing mataas.

Hinimok ng punong lalawigan ang publiko na palaging maglinis ng kapaligiran, linisin ang mga kanal at hindi umaagos na daluyan ng tubig  para maitaboy ang mga pesteng lamok.

--Ads--

Ayon kay Gov. Albano, makikipagpulong siya sa mga health officials at iba pang sektor sa lalawigan para pag-usapan ang muling pagpapatupad ng Todas Dengue Todo na ito para masugpo ang nasabing sakit.

Tiniyak naman ng gobernador ang kahandaan ng mga ospital na pinangangasiwaan ng pamahalaang panlalawigan.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano