--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pagtugon sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan. 

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Rodito Albano na kapag nagkaroon ng outbreak ng COVID-19 ay nakahanda ang pamahalaang panlalawigan. 

Sa ngayon aniya, ang COVID-19 ay maituturing na lang na simpleng sakit tulad ng sipon at ubo. 

Ayon kay Gov. Albano, ang mahalaga ay walang namamatay dahil sa virus.

--Ads--

Mayroon naman anyang proteksyon ang mga mamamayan sa Isabela dahil nabakunahan na at sa ngayon ay mayroon pang sapat na bakuna sa lalawigan.

Bagamat hindi mandatory ang pagsusuot ng face mask ay mainam na magsuot pa rin upang magkaroon ng proteksyon kontra sa ano mang sakit o virus.

Tinig ni Gov. Rodito Albano.