--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa 70% na ang nabibigyan ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP ng DSWD) sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2, sinabi niya na sa buong rehiyon ay 71.53% na ang nabibigyan ng ayuda.

Sa Cagayan ay 53.86%, Isabela ay 85.86%, Nueva Vizcaya ay 73.48%, at Quirino ay 87.86%.

Aniya, doble na ang pagtatrabaho ngayon ng kanilang mga kawani dahil kailangan nila itong tapusin sa unang linggo ng Mayo.

--Ads--

Samantala, ayon pa kay ARD Alan, sa ngayon ay hindi pa malinaw ang guidelines para sa second tranche ng SAP sa mga lugar na nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ).

Aniya, hinihintay pa rin nila ang advisory ng kalihim ng DSWD kung kailan at kung mayroon pang second tranche sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

Tinig ni Assistant Regional Director Lucia Alan.