CAUAYAN CIT- Maipagpapatuloy na ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA Region 2 ang naantalang pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher para sa mga magsasakang tumanggap ng allocated hybrid rice seed noong buwan ng Agosto.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DA Regional Executive Director Rosemary Aquino,sinabi niya na kasalukuyan na nilang iaayos ang pamamahagi ng Fertilizer Discount voucher sakabila ng naitalang bahagyang pagkaantala dahil sa isinagawang system maintenance.
Ayon kay Dr. Aquino 100 percent delivered na ang procured hybrid rice seed kung saan umabot na sa 174,000 bags ang natanggap ng Region na.
Ang naturang mga binhi ay naipamahagi na sa iba’t ibang Local Government Units at Municipal Agriculturist at handa ng tanggapin ng nasa 254,577 farmer beneficiaries.
Sa ngayon ay insinasaayos na ang system para sa Fertilizer discount Voucher para sa August 2024 allocation ng Region 2 na nagkakahalaga ng 593 million.
Dahil system generated ang pamamahagi ng discount voucher ay hindi pa natatapos ang pamamahagi nito at tanging 74,609 o 56.093% farmer beneficiaries pa lamang ang nakakatanggap nito.
Bagamat naantala ay posibleng mag resume na ang pamamahagi nito sa susunod na linggo para sa limang Bayan sa Isabela.