--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanindigan ang Santiago City Police Office (SCPO) Station 4 na maaga pa para ituring na election-related incident ang pamamaril sa bahay ng isang kandidato sa pagka- kongresista noong March 30.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Hassan Nor Damac, Acting Chief of Police ng SCPO Station 4, kanyang sinabi na may mga proseso para ituring na election-related ang pamamaril sa bahay at ginawang headquarters ni Congressional Candidate  Jenny Coquillia.

Patuloy ang validation at imbestigasyon ng mga pulis sa insidente ng pamamaril sa bahay ni Coquilla at nangangalap na  sila ng mga kuha ng CCTV camera malapit sa pinangyarihan ng pamamaril.

Hindi pa masabi ng pulisya kung may kaugnayan sa politika ang pamamaril sa bahay  ni Coquilla dahil kailangan pa ng mas malalim na imbestigasyon upang matukoy ang responsable sa pamamaril.

--Ads--

Makakatulong din ang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pamamaril para malaman kung malapitan o bumaba ba sa sasakyan ang mga pinaghihinalaan sa pamamaril.