--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuloy- tuloy ang paglulunsad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng Pamahalaan  sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Grace Rivera ng Department of Human Settlement and Urban Development  Region 2 , sinabi niya na tuloy tuloy ang paglulunsad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng Pamahlaan  sa Lambak ng Cagayan .

Sa katunayan aniya ang Region 2 ang may pinakamaraming proyekto para sa pabahay.

Katatapos lamang ng kick off para sa construction ng Pambansang Pabahay sa Roxas, Isabela habang naganap ang ground breaking sa Jones, Isabela at Ramon, Isabela na king saan bukas na rin sa publiko ang proyekto sa Lunsod ng Tuguegarao.

--Ads--

May ilang unfinished regular subdivision din ang DHSUD ang icoconvert para sa National Housing Projects sa Gamu, Isabela habang on going land development ang nasa 1000 housing units dito sa Lunsod ng Cauayan.

Sa ilalim ng Pambansang Pabahay Program ng Pamaalaan ay para sa lahat ng mga Pamilyang Pilipino na first time home buyers na may 5% interest subsidy at mayroong ding ipagkakaloob na subsidy sa mga kababayang nasa laylayan o mahihirap.

Isa sa mga napakahalagang requirement ng mga nais na mapabilang sa programa ay maging miyembro ng Pag-ibig dahil sina-subsidiya lamang ng Pamahalaan ang interest sa abot kayang halaga.