--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinanghal na Miss Tourism Universe 2017 ang pambato ng India na si Nishita Purandare sa coronation kagabi na ginanap sa Tanghalang Pasigueño, Pasig City.

Nakuha ng Miss Vietnam ang 1st runner-up at ang pambato ng Pilipinas na si Miss Julie Anne Tricia Manalo ng Bayombong, Nueva Vizcaya ang tinanghal na 2nd runner-up.

Si Miss Romania ang 3rd runner-up habang si Miss Portugal ang 4th runner-up.

Sa special awards, nakuha ng kinatawan ng Lebanon ang Miss Tourism Personality, Miss Photogenic ang kandidata ng Thailand, Miss Internet si Miss Purandare ng India, Miss Tourism ang kinatawan ng Myanmar, Miss Friendship ang kinatawan ng Nepal at Miss Congeniality ang kinatawan ng Croatia.

--Ads--

Tinanghal na Miss Tourism 2017 Africa si Miss Ghana at Miss Tourism 2017 Asia ang 1st runner up na si Miss Vietnam.

Samantala, hindi nangyari ang unang pagtaya ni Miss Tricia Manalo na ang pambato ng Venezuela ang mahigpit niyang makakatunggali ngunit nagkatotoo ang una niyang sinabi na makakapasok sa top 5 ang Miss India at Miss Vietnam.

Ang Miss India ang nanguna sa poll voting at ikalawa ang Miss Philippines.

Sinimulan sa Lebanon ang mga aktibidad sa Miss Tourism Universe 2017 ngunit dahil sa suliranin sa seguridad ay nagpasya ang mga organizers na isagawa sa labas ng Lebanon ang iba pang aktibidad sa beauty pageant.

Ang nagtungo na lamang sa Pilipinas para sa mga final events ay 10 semi-finalists na kinabibilangan ng Russia, Philippines, Ghana, Thailand, Lebanon, India, Nepal, Romania, Myanmar, at Vietnam.