--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinanghal na Queen Isabela 2020 si Bb. Roseann Camille Fernandez ng Rizal, Quirino, Isabela sa ginanap na coronation kagabi sa Isabela Sports Complex sa City of Ilagan.

Nag-uwi siya ng cash prize na P50,000, trophy at iba pa.

Ang mga nag-award sa nakuha niyang titulo ay sina Board Member Abigail Sable, Provincial Treasurer Maria Teresa Araneta Flores at si Queen Isabela 2019 Maria Angelica Dominguez ng Ramon, Isabela.

Bukod sa pagiging Queen Isabela 2020 ay siya rin ang nakakuha ng People’s Choice Award na may 24, 875 votes o 32.72% na text votes.

--Ads--

Si Bb. Fernandez ay 20 years old, 5’5 ang taas at kawani ng isang US-based Company sa Mandaluyong City.

Ganito ang naging tanong ni Dr. Antonio Mendoza at ang naging sagot ni Bb. Fernandez.

Samantala, tinanghal n na Queen Isabela Tourism 2020 si Myra Yzabelle April Rola ng Saranay, Aurora Isabela na nag-uwi ng P30,000 at trophy.

Siya ay 19 years old, 5’10 ang taas at nag-aaral sa Saint Louis University.

Tinanghal namang Queen Isabela Culture & Arts 2020 si Kimberly Jane Acob ng San Andres, Cabatuan, Isabela na nag-uwi ng P20,000 at trophy.

Siya ay 21 years old, 5’7 ang taas at empleado ng Local Government Unit ng Cabatuan.F

Ang 1st runner Up ay si Vjie Matias ng Sandiat East, San Manuel Isabela na nag-uwi ng P15,000 at trophy at nakuha rin niya ang special award na Best in Casual Wear na may kasama ring trophy at P10,000.

Ang 2nd runner ay si Mary Alexandra Wu ng Arellano, Quezon na nag-uwi ng P10,000 at trophy at nakuha rin ang Miss Photogenic na may kasama ring trophy, P10,000 at ang kanyang winning portrait.

Nakapasok din sa Top 10 sina Angela May Ocampo ng Tumauini, Nikita Pearl Teichmuller ng Santiago City, Champagne Irish Laggui ng Santa Maria, Maria Liwliwa Caluya ng San Isidro at Ruthlyne Subia ng Roxas.

Nag-uwi naman ng special award na Designer of the Best Queen Isabela II Creative Attire si Mary Alexandra Wu ng Quezon; Best Queen Isabela II Creative Attire si Kathleen Bellen ng City of Ilagan na may kasamang trophy at P10,000.

Ang Miss Coca-cola 2020 ay Nikita Pearl Teichmuller ng Calao West, Santiago City na may kasamang cash prize at P5,000 cash at mga Coca-cola items.

Miss Congeniality si Queenie Joy Po ng San Antonio, Burgos, Isabela na may kasamang trophy at P10,000, habang nakuha ni Bb. Kimberly Jane Acob ang Best in Swim Wear na may kasamang trophy at P10,000.

Ang Best in Talent ay si Mariel Joy Florentin ng Echague, Isabela na tumanggap ng trophy at P10,000 at ang Best in Evening Gown ay nakamit ni Mercy Jane Olar ng Raniag, Ramon, Isabela na nag-uwi rin ng trophy at P10,000.

Ang mga naging hurado sa Queen Isabela coronation night ay sina dating beauty queen Maxine Medina , actor Ryan Agoncillo, Engr. Danilo Pagsambugan, Leonardo Preza, Arnel Papa, Dr. Antonio Mendoza, Freddie Brindoque, Abigail Tuscano, Albert Andrada, at Pichie Veneracion.

Ang mga naging criteria ay Face and Figure na may 60%, Self Expression na may 30%, overall look, poise, projection at x-factor na may 10% na sa kabuuan ay 100%.

Hinarana naman ng artistang si Marco Gumabao ang mga kandidata.

Nagbigay ng last walk sina Queen Isabela 2019 Maria Angelica Dominguez ng Ramon; Queen Isabela Tourism 2019 Lovely Mercado ng Roxas at Queen Isabela Culture & Arts 2019 Anita Maura Gannaban ng Cauayan City.