--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinoronahan bilang Miss DepEd Dos RISE 2022 si Maria Novalyn Charisse Lagasca, isang Grade 12 HUMMS ng Naguilian National High School at pambato ng SDO Isabela sa Miss Dos RISE 2022 na ginanap kagabi sa Don FLDY Coliseum.

Nagningning ang kagandahan at talino ni Lagasca sa mga hurado at manonood at itinuring na Bagong Reyna ng mga Isabela athletes.

Nakatanggap sampung libong piso na cash prize si  Bb. Lagasca.

Ang 1st runner ay ang pambato ng SDO  cagayan na si  Pia Giselle Robina Gerres na tumanggap ng pitong libong pisong premyo.  

--Ads--

Ang 2nd runner up ay ang pambato ng SDO Santiago City na si Sofia Julien Almazan na tumanggap ng limang libong piso na premyo.

Ang 3rd runner up ay ang pambato ng SDO Cauayan city na si Lora Elyzza Bairan na tumanggap ng tatlong libong piso na premyo.

Ang bahagi ng pagsagot ni Bb. Maria Novalyn Charisse Lagasca sa Question and Answer Portion.

Samantala patuloy ang pamamayagpag ng SDO Cagayan sa may pinakamaraming napanalunang  gintong medalya sa mga laro sa DepEd Dos RISE 2022.

Batay sa pinakahuling medal tally nasa apatnaput anim nang gold medal, limamput apat na silver at dalawamput limang bronze ang SDO Cagayan.

Pangalawa ang SDO Isabela na mayroong dalawampung gold, tatlumput isang silver at apatnaput dalawang bronze medal.

Pangatlo ang SDO Tuguegarao na mayroong labing walong gold, labimpitong silver at labing siyam na bronze medal.

Pang-apat ang SDO Santiago City na may labing siyam na gold, labing isang silver at walong bronze medal.

Panglima ang SDO City of Ilagan na may labing limang gold, labindalawang silver at labindalawang bronze medal.

Pang-anim ang SDO Nueva Vizcaya na may labing-apat na gold, walong silver at labing isang bronze medal.

Pangpito ang SDO Quirino na may apat na gold, anim na silver at dalawamput isang bronze medal.

Pangwalo ang SDO Batanes na may apat na gold medal.

Pangsiyam ang SDO Cauayan City na may isang gold, tatlong silver at apat na bronze medal.