CAUAYAN CITY- Malungkot na sinalubong ng mag-anak na mula sa Barangay Nungnungan ang Bagong Taon dahil sa sila ay pinag nakawan.
Tinangay ng hindi pa nakikilalang mga kawatan ang kambing na alaga ng Pamilya Dalupang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Faustino Dalupang may-ari ng mga ninakaw na kambing na residente ng Research, Minante Uno, Cauayan City, sinabi niya na sa kabuuan ay limang kambing ang nanakaw sa kanila na nagkakahalaga ng 50 thousand pesos.
Tinatayang umabot na rin aniya sa lima hanggang anim na indibidwal ang nanakawan ng mga alagang kambing sa lugar.
Naniniwala naman aniya sila na hindi lamang iisang indibidwal ang nagnakaw sa mga kambing lalo pa at tumitimbang ito ng 25-30 kls.
Nananawagan aniya sila sa mga nagnakaw na wag nang ulitin ang naturang krimen dahil hindi lamang pera ang pinuhunan nila sa pag-aalaga kundi maging ang hirap na rin nila sa pagpapakain.
Samantala, nananawagan rin aniya sila sa mga opisyal ng barangay na ugaliing mag ronda sa lugar upang maiwasan ang talamak na nakawan.