--Ads--

CAUAYAN CITY –  Hustisya ang hangad ng mga nagluluksang  magulang ng isang 4 anyos na batang lalaki na nasawi matapos masagasaan ng isang SUV na minamaneho ng isang midwife at hindi umano alam ang pangyayari dahil nagtuluy-tuloy  sa pagapatakbo at umuwi sa kanilang bahay.

Ang aksidente  ay naganap dakong alas singko ng hapon sa  Domingo Street,  Purok 3, Silalwit, Cauayan City.

Ang tsuper ng sasakyan na itinurong nakasagasa sa biktima ay si  Naomi Alano,  44 anyos at residente rin sa nabanggit na barangay.

Naisugod para sa ospital ang bata ngunt binawian ng buhay dahil sa maalang sugat sa kanyag ulo.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng ina ng bata na si Gng Severina Glore Page na siya ay nasa trabaho nang mangyari ang aksidente.

Ipinabantay niya ang anak sa kanyang nanay na naging abala  dahil nakaburol pa ang kanyang lola na sumakabilang buhay.

Labis ang lungkot at pighating nararamdaman ng ginang sa pagkamatay ng kanyang anak.

Ang pahayag ni Gng. Severia Glore Page

Sinabi naman ng ama ng bata na si Jiroh Carl Page  na ang sasakyan lang ni Alano ang dumaan nang oras na masagasaan ang kanyang anak. Hindi siya tumigil at nagtuluy-tuloy sa kanilang bahay.  

Nang makitang duguan at nakahandusay ang kanyang anak ay agad dinala sa ospital ngunit hindi na nailigtas ang kanyang buhay.

Ang pahayag ni Jiroh Carl Page