--Ads--

CAUAYAN CITY- Sumisigaw parin ng hustisya ang isang Pamilya matapos na pagbabaril patay ang kanilang padre de pamilya.

Matatandaan kagabi ay naganap ang karumal dumal na krimen kung saan isang dumptruck driver ang walang habas na pinagbabaril hanggang sa mamatay sa kahabaan ng Barangay Minante Dos.

Ang biktima ay si Ariel Lorenzo na residente ng Barangay Villa Luna, Cauayan City.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan sa misis ng biktima na si Ginang Celina Lorenzo, sinabi niya na wala silang alam na nakaalitan ng kaniyang mister bago ang naganap na pamamaril.

--Ads--

Emosyonal na humarap sa Bombo Radyo Cauayan ang Ginang dahil sa naulila ng kaniyang mister ang dalawa nilang anak na Edad trese at once.

Hiling nila ngayon na mabigyan ng hustisya ang ginawang pagpatay sa kaniyang mister.

Samanatala, inilarawan naman nil Kagawad Edwin Sagario ang biktima bilang mabait na tao at walang nakakaalitan sa kanilang Barangay.

Aniya halos hindi lumalabas ng bahay at hindi din nakikibarkada ang biktima dahil sa tubong Cabatuan, Isabela ito.

Batay na rin sa kanilang kaalaman na ang biktima ay dati ring driver ng dumptruck sa isang hardware supply dito sa Lunsod ng Cauayan.