--Ads--

CAUAYAN CITY – Humihingi ng hustisya ang pamilya ng tsuper ng trailer truck na binaril ng kanyang nakaalitang tsuper ng motorsiklo sa national highway sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Una ng napaulat sa Bombo Radyo Cauayan ang pagbaril at pagpatay  kay Danilo Bramaje, 42 anyos, may asawa at residente ng Gappal, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Meralyn Bramaje, asawa ng biktima na kasalukuyan siyang nagluluto nang iparating ng  pinsan ng kanyang asawa ang nangyari sa kanyang mister na labis niyang ikinabigla.

Mabait anya ang  kanyang asawa at walang kaaway.

--Ads--

May tatlo  silang anak na edad 17, 13 at 9 anyos na  lubos ding nagdadalamhati dahil sa nangyaring pagpatay sa   kanilang ama.

Ayon kay  Ginang Meralyn, dati siyang OFW ngunit hindi nakabalik sa abroad dahil sa pandemya.

Nag-apply siyang muli na mangibang bansa at hinihintay na lamang nito ang kanyang ticket ngunit dahil sa nangyari sa kanyang mister  ay hindi pa siya makakapagpasya kung itutuloy ang kanyang   pag alis.

Ang labi ng biktima ay nakaburol na sa kanilang bahay sa Gappal, Cauayan City.