--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkakaroon ng bayanihan ang mga residente ng Barangay Virgoneza upang matulungan ang Pamilya Dumlao sa Purok 4, matapos masunog ang kanilang bahay at nasa pagamutan.

Magugunitang umabot sa halos limang daang libong piso ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.

Nagtamo ng Second Degree Burn o lapnos sa likurang bahagi ng katawan at paa si Jackson Dumlao habang nagtamo ng Third Degree Burn o lapnos sa binti at mga paa si Ellen Grace Dumlao na kasalukuyang pa ring ginagamot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Punong Barangay Modesto Areola Jr. ng Barangay Virgoneza, San Agustin na pangunahing pangangailangan ngayon ng pamilya Dumlao ang mga damit at pagkain dahil sa kawalan ng nasalbang kagamitan.

--Ads--

Magbibigay ng cash aid ang barangay sa mga biktima na pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kaanak at nabigyan na rin ng paunang tulong.

Ayon sa Punong Barangay, hindi makakasapat ang kanilang nalikom na tulong kaya naman ang ilan sa kanilang kabarangay ay nagtulong tulong na rin upang makalikom ng sapat na halaga na maibigay sa mga biktima ng sunog at para may maipambayad sa ospital.

May hinala ang pamilya Dumlao na maaring nagmula ang sunog sa kulungan ng kanilang baboy na nasa likod ng bahay at maaring nag-overload ang outlet nito dahil sa dami ng ilaw na inilalagay sa main plug.