CAUAYAN CITY- Naagapan ang muntik nang pagkakasunog ng isang pampasaherong bus sa Naguillian,Isabela
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag SFO2 Loreto Francisco ng BFP Cabagan, Isabela na isang Dalin Bus Liner na galing sa Sampaloc, Maynila na patungong Lunsod ng Tuguegarao ang bigla na lamang umusok sa likurang bahagi ng sasakyan.
Dahil dito ay inihinto ang bus at sinuri ng tsuper na si Tirso Peralta, 50 anyos at residente ng Echague, Isabela at conduktor na si Dexter Ruma, 24 anyos na residente ng Iguig, Cagayan.
Kagad naagapan ang nasusunog na likurang bahagi ng bus dahil sa mayroong fire extinguisher sa loob ng sasakyan na ginamit sa pag-apula ng apoy.
Agad namang tumugon ang BFP Cabagan subalit naapula na ang sunog nang sila ay dumating.
Wala namang naiulat na nasaktan sa mga pasahero at inilipat sila sa ibang pampasaherong bus.
Nagtamo naman ng sunog ang mga wirings sa likod ng nasabing bus.




