--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang pampasaherong bus ang bigla na lamang umusok habang bumibiyahe sa National Highway na nasasakupan ng Busilac, Bayombong,Nueva Vizcaya.

Ang pampasaherong Bus ay pagmamay-ari ni Jose Barero Jr. residente ng Solano, Nueva Vizcaya habang ang driver ay si Marlon Paganay, residente ng Buneg, Echague, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni SFO1 Bonnie Mangili ng BFP Bayombong,Nueva Vizcaya, ang sunog ay nagmula sa makina ng pampasaherong Vizcaya Liner makaraang tumama ang insulator sa makina ng sasakyan.

Napansin anya ng mga pasahero na umuusok ang bus sanhi para huminto ang sasakyan at dito nakita ng conductor at driver na umuusok na ang likurang bahagi ng sasakyan.

--Ads--

Kagad namang nakalabas ang di mabatid na bilang na pasahero at inilipat sa isa pang bus.

Mabuti na alamang anya na naagapan at napansin agad sunog sa bus at nakipag-ugnayan sa BFP Bayombong na agad namang tumugon at tuluyang naapula ang apoy.

Tinig ni SFO1 Bonnie Mangili ng BFP Bayombong

Ang nasabing pampasaherong bus ay galing Tarlac at patungo sana sa Roxas, Isabela.