--Ads--

CAUAYAN CITY- Bumangga ang isang pampasaherong bus sa isang poste ng telecommunication company sa Gamu, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Dennis Baggay, ang tagasiyasat ng Gamu Police Station sinabi niya na alas onse ng gabi naganap ang aksidente sa kasagsagan ng pag-ulan.

Dahil sa biglaan na pag-ulan na may kasama pang hangin ay hindi aniya napansin ng driver ng bus ang patumba na na poste ng isang telecommunication company kaya nabangga niya ito.

Ayon kay PSSgt. Baggay na bagamat bumangga ang bus ay wala namang nasaktan sa mga pasahero nito at hindi naman nakaapekto sa tustus ng kuryente sa lugar.

--Ads--

Batay sa kanilang pagsisiyasat dahil sa pag-ulan ay lumambot ang lupa kung saan nakatayo ang poste na siyang naging dahilan para matumba ito.

Matapos ang insidente ay agad namang nailipat sa ibang bus ang mga pasaherong sakay ng bus at ligtas na naihatid sa Tuguegarao City.

Sa ngayon ay hindi na matiyak kung magkano ang halaga ng pinsalang natamo ng pampasaherong bus.