--Ads--

CAUAYAN CITY – Walang naganap na panibagong pagsalakay ng rebeldeng New People’s Army o NPA detachment ng CAFGU sa barangay Casala, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Captain Jefferson Somera, Division   Public Affairs Office chief ng 5th Infantry Division na hinarass lamang ang detachment ng CAFGU sa nasabing barangay.

Kanyang sinabi na pangkat ni Melicio Casisola na kumikilos sa nasabing lugar ang nagsagawa ng panghaharass.

Tumagal ng sampung minuto na pagpapaulan ng bala sa nasabing kampo mula sa limang daang metrong layo mula sa kanilang kampo
Wala namang naiulat na nasugatan sa panghaharass ng mga rebelde sa nasabing kampo

--Ads--

Kanya pang nilinaw na hindi gumanti ng putok ang mga kasapi ng CAFGU at mga sundalo na nasa detachment.

Sinabi pa ni Capt. Somera na dalawang beses nang na-harass ng mga rebelde ang nasabing CAFGU detachment, una ay naganap noong January 24, 2017 at ang pangalawa ay naganap noong February 2, 2018.

Binatikos ni Captain Somero ang ginawang pagpapaputok ng baril ng mga rebeldeng NPA dahil maaaring madamay ang mga sibilyan sa kanilang ginawa.

Hindi pa matukoy kung ilang bilang ng mga rebelde ang nangharass sa nasabing detachment.