--Ads--

CAUAYAN CITY Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) region 2  ang mga mamamayan na makiisa sa Earth Hour 2023 na isasagawa  mamayang alas 8:30 hanggang alas 9:30  ng gabi .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region 2, sinabi niya na isa sa mga layunin ng Earth Hour ay ang energy conservation.

Aniya bagamat maliit na hakbang ay  isa itong global action at  sa loob ng isang oras ay sabay-sabay na magpapatay ng ilaw ang mga kabahayan at malalaking establisyimento hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ang Earth Hour ay pinasimulan ng World Wild Life Fund (WWF) noong 2007 upang magkaroon ng kamalayan partikular sa climate change at para gumawa ng indibidual na aksIyon upang malabanan ang unti-unting pagbabago ng klima.

--Ads--

Bilang pakikiisa sa Earth Hour ay nanawagan na sila sa kanilang Facebook account upang hikayatin ang bawat isa na makiisa.

Naglabas ang DENR  ng memorandum na humihikayat sa lahat ng mga empleyado ng kagawaran na makibahagi sa  aktibidad.

Maliban sa pagpatay ng ilaw para sa energy conservation ay mayroon pang iba’t ibang paraan para makiisa sa Earth Hour dahil pagkakataon  ito para matunghayan ang kagandahan ng kapaligiran sa ilalim ng mga bituin o stargazing.