CAUAYAN CITY – Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) na binuo ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) para malaman kung ano ang tunay motibo sa pananambang sa Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya sa grupo ni Vice Mayor Rommel Alameda ng Aparri, Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col. Saturnino Soriano, Public Information Officer ng Police Regional Office 2 na miyembro rin ng SITG ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang Aparri Police Station dahil tagaroon ang bise mayor at iba pang grupo na maaaring makakatulong sa imbestigasyon.
Bukod sa SITG ay patuloy ang pag-iikot ng mga intelligence operatives para matukoy at madakip ang mga suspek na nanambang sa grupo ni Vice Mayor Alameda.
Tiniyak ni PLt Col. Soriano ang puspusang pagsisiyasat sa pananambang para makamit ang hustisya ng pamilya ng mga biktima.
Iginiit ni Plt Col. Soriano na hindi mga pulis ang gumawa ng pananambang bagamat nakita ng mga tao sa lugar na nakasuot ng pixelized uniform ang mga salarin.
Naniniwala siya na plinano ang kimen at nagsuot ang mga suspek ng pixelized uniform ng PNP para lituhin ang mga tao at ng mga imbestigador .
Nilinaw ni PLt Col Soriano na walang checkpoint sa lugar ang mga kasapi ng Bagabag Police Station maging ang mobile force ng PNP at hindi ginagamit sa checkpoint ang barikada ng paaralan.
Bukod dito ay hindi rin gumagamit ang mga pulis ng sasakyan na walang marka ng PNP at may mga ilaw sa area ng checkpoint.
Nagpanggap lamang aniya ang mga suspek na pulis.
Panawagan ni PLt Col Saturnino sa mga mamamayan na huwag maniwala sa haka-haka na mga pulis ang may kagagawan sa pananambang sa grupo ni Vice Mayor Rommel Alameda.
Kilala niya ang pamilya ni Vice Mayor Alameda na inilarawan niyang mabait na tao kayat nalulungkot siya na ginawa sa kanya ang nasabing paraan ng pagpatay.
Nanawagan si PLt. Col. Soriano na makipagtulungan sa kanila ang sinumang may impormasyon sa pananambang sa grupo ni Vice Mayor Alameda.
Ganito ang bahagi ng pahayag ni PLt Col Saturnino Soriano.