--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamunuan ng Police Regional Office (PRO2) na handa ang kanilang hanay ngayong holiday season may kaugnayan sa inaasahang pagdagsa ng mga mamamayan sa iba’t ibang lugar sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PBGen Steve Ludan, Regional Director ng PRO2, sinabi niya na handa ang mga pulis ng PRO2 sa pagbabantay sa mga lugar na dinadayo ng mga tao kasabay ng unti-unting pagluluwag na nararanasan sa rehiyon.

Kaugnay nito ay nakatakdang magpatupad ng strategic plan ang mga police stations at units sa ikalawang rehiyon para sa maayos at mapayapang pagdiriwang ng pasko at bagongTaon.

Hinimok ng pamunuan ng PRO2 ang publiko na maging maingat at alerto sa lahat ng pagkakataon para hindi mabiktima ng mga kawatan.

--Ads--

Ayon pa kay PBGen. Ludan, bumaba ang naitalang crime incident sa ikalawang rehiyon mula noong buwan ng Nobyembre 2021 na magandang indikasyon sa kanilang hanay.