--Ads--

Naaresto ng mga tauhan ng Roxas Police Station ang isang lalake na kinilalang si alyas ” Fred” 23 anyos, walang asawa, panadero at nasa listahan ng pulisya bilang Municipal Most Wanted Person sa kasong paglabag sa Section 5 paragraph B ng R.A. 7610 (Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) (2 Counts), sa bisa ng Warrant of sa Barangay San Antonio, Roxas, Isabela.

Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng Roxas PS(Lead Unit), katuwang ang PIU-IPPO, RIU 2 at 201st MC, RMFB 2 ng ihain ang Warrant of Arrest na inisyu noong Enero 15, 2026 ng isang Presiding Judge RTC 2nd Judicial Region, Branch 23 Roxas, Isabela na mayroong inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php400.000.00 para sa bawat bilang ng kaniyang kasong nabanggit.

Matapos ang pag-aresto ay kaagad na ipinaalam sa suspek ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa batas.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng himpilan ng Roxas PS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ibalik sa korteng naglabas ng Warrant.

--Ads--